Monday, July 05, 2010

Why do I deserve an Android phone?

Dear Reader,

Habang nilagay ko sa google ang katagang 'promo philippines', lumitaw ang samu't-saring mga results. Pero may isa dun na talagang naging curious ako: "Im giving away an Android Phone!"

Naexcite ako, at agad kong binasa ang nilalaman. Tinignan ang mga litrato. Napaisip ako:

"Wow. Ang yaman naman ng isang 'to. May HTC na, may Blackberry pa. At take note, ipapamigay pa ang isang samsung phone na meron daw Android OS. Pero siguro, mabait lang talaga siya at hindi selfish."

Pero teka, bago ako tumuloy sa blog na 'to. May isang tanong muna ako:






Ano ba kasi yung 'Android' phone? (FAIL, I know.)

Seryoso, nung una, wala akong kaide-ideya kung ano ba yun. Ang alam ko na lang na Android e yung kalaban nina Son Goku sa Dragonball Z. Salamat sa internet at pwedeng pwedeng i-google kung ano ba talaga yun. :)) Tsaka ko nalaman na operating system pala ng cellphone yun kagaya ng Symbian at iba pa.


Sa parteng ito, siguro naman nahahalata mo na kung bakit ko ngayon gustong magkaroon ng kagaya nun. Hindi naman para maging kagaya nung mga Android sa Dragonball Z na may powers, pero pwede na rin kasi ang cool nila. Parang, kapag may Android phone ka, ang cool mo na din diba?

Gusto kong magkaroon ng phone na kagaya nun dahil kapag nagka-Android phone na ako... hindi na ako magiging inosente na hindi lang pala Dragonball Z ang may kinalaman android. Hahaha!

Gusto kong magkaroon ng phone na kagaya nun dahil hindi naman ako yung tao na bibili ng isang mamahaling gamit. Iipunin ko na lang yun para ipambayad sa tuition ko kung sakali. Praktikal lang. :)

Kaya ngayon, masasabi ko na talagang dahil sa pagiging curious, inosente at totoo sa kung ano talaga ang nasa isip ko at gusto kong sabihin, masasabi kong "I deserve an Android phone".

PS
Sino pa ang unang maniniwalang deserving ako? Walang iba kundi ang sarili ko lang, diba?

2 comments:

ericaorange said...

ang kulit, dragonball z! :P

jehzlau said...

wooooooot! deserving ka! wooot! lahat ng sumali deserving eh.. thanks sa pag sali! at... ang android phone na to ay yung nasa dragon ball z nga! oo.. totoo! ginawa nilang phone yung android doon! hehe :P